Ano ang leverage?
Ano ang leverage?
Ang leverage ay isang sistema sa trading kung saan pwedeng makapag-open ang mga trader ng mas malaking position kumpara sa kung ano ang kaya nilang i-open gamit ang sarili nilang kapital. Ibig sabihin, kailangan lang mag-open ng traders ng porsyento ng kanilang position, na tinatawag naming "kailangang cash" sa Skilling. Bagamat nagiging nakaka-engganyo ang leverage dahil dito, may mataas din itong risk para sa mga investor.
Nakakaapekto din ang exposure na binibigay nito para malugi ng mas malaki, kaya napakahalagang maintindihan kung ano ang leverage sa trading, kung paano ito tumatakbo, at ang kahalagahan ng pamamahala ng risk. Iba-iba ang leverage ng magkakaibang broker, platform, at instrument.
Leverage para sa mga retail na kliyente
KLASE NG ASSET | MIN. LEVERAGE | MAX. LEVERAGE | KAILANGANG MARGIN |
---|---|---|---|
Forex | 1:1 | 1:30 | 3.3% |
Mga Commodity | 1:1 | 1:10 | 10% |
Mga Index | 1:1 | 1:20 | 5% |
Stocks | 1:1 | 1:5 | 20% |
Mga Crypto | 1:1 | 1:2 | 50% |
Mag-click dito para sa leverage para sa mga propesyonal na kliyente
Paalala: Pwedeng magbago ang ratio ng leverage depende sa kondisyon ng market.
SIMULAN ANG PAGLALAKBAY
Magpatala
Paano tumatakbo ang leverage?
Ipagpalagay natin na may dalawang investor na gustong mag-trade ng $30,000 na EUR/USD currency pair. Ang mga nakalagay na halaga sa ibaba ay nasa USD.
Isipin natin na nagti-trade ang investor ng CFDs na may leverage na 30:1.
Para kalkulahin ang kailangang margin, gagamitin natin ang formula na:
MARGIN
KABUUANG HALAGA NG POSITION
RATIO NG LEVERAGE
Sa ganitong kaso,
$30,000
30
$1,000
Ibig sabihin, para sa investor na nagti-trade ng CFDs, kailangan lang niyang magdeposito ng $1,000 bilang margin para mag-open ng kaparehong position na may halagang $30,000.
Ngayon, ipagpalagay natin na gumalaw ang presyo ng palitan ng EUR/USD, na nagresulta sa $1,500 na pagbabago sa halaga ng position:
Halimbawa 1
Sa halimbawang ito, kapag nag-trade ang isang investor ng
EUR/USD nang walang leverage,
babayaran niya ang buong halaga ng position na $30,000:
KITA/PAGKALUGI:
$1,500
Return on Investment (ROI):* = 5%
( $1,500 ÷ $30,000 * 100 )
*Nakuha ang 5% na balik sa pangunang margin na ginamitHalimbawa 2
Para sa investor na nag-trade ng CFD
sa EUR/USD na may leverage na 30:1:
KITA/PAGKALUGI:
$1,500
(katulad ng walang leverage)
Return on Investment (ROI):* = 150%
( $1,500 ÷ $1,000 * 100 )
*Nakuha ang 150% na balik sa pangunang margin na ginamitMga benepisyo ng paggamit ng leverage sa trading
Mag-trade sa parehong tumataas at bumabagsak na market
Mag-open ng short o long position batay sa kondisyon ng market at istratehiya mo sa pag-trade.
Naka-leverage na trading
Kailangan mo ng di hamak na mas konting kapital para mag-open ng trade para magmay-ari ng kaakibat na asset. Pwedeng pataasin ng leverage ang kita at pagkalugi mo.
Naka-regulate na kapaligiran
Kapag nag-trade ka sa Skilling, nasisigurado na naka-regulate ang kapaligiran mo, hiwalay ang deposito ng lahat ng kliyente, at may customer support na nakatutok sa kliyente.
Mabilis na pag-execute
May napakabilis na pag-execute na humigit-kumulang 8 milliseconds sa forex. Walang panghihimasok ng dealing desk. Awtomatikong ipinapadala ang order mo sa isa sa maraming liquidity providers, kaya siguradong tugma at natutugunan ang trade mo sa mabilis at maayos na paraan.
Mga kailangang malaman sa paggamit ng leverage
Mataas na exposure
sa market
Ang margin ay ang kapital na kailangan para pasukin ang isang trade. Sa mas mababang porsyento, may mas mataas na exposure ang trader sa pinagbabatayang asset.
24/5 na market
Bagamat depende ito sa market o instrument, pwedeng mag-trade sa malalaking markets 24 oras araw-araw, limang araw linggo-linggo, maliban na lang sa crypto na pwedeng i-trade buong linggo.
Labanan ang kaunting pagbabago-bago
Mahalaga ito sa forex trading. Kapag hindi masyadong nagbabago-bago ang market, tumataas ang exposure kapag nag-trade nang may leverage. Sa mas mataas na exposure, makakaapekto ang kahit kaunting paggalaw sa otensyal na kita at/o pagkalugi.
Kahalagahan ng pamamahala ng risk kapag nagti-trade nang may leverage
Bago mag-open ng position sa trading, mahalagang isaalang-alang ang kailangang cash at ang pinakamalaking pagkalugi na kakayanin mo, o ang target na gusto mong maabot. Sa pamamagitan ng stop-loss at limit orders, makakapaglagay ang traders ng isang partikular na presyo kung saan tatakbo ang bilin na bumili o magbenta.
Pero hindi lamang 'to ang mga tanging elemento na nakakaapekto sa pamamahala ng risk. Mahalaga ring planuhin ang trades bago magsimula at pagkatapos magsagawa ng mabusising pag-aaral (technical o fundamental analysis man ito, o kombinasyon nitong dalawa).
Mahalaga ring kalkulahin ang inaasahang kita o magtakda ng layunin, o mag-diversify o i-hedge ang portfolio mo.
Pwedeng makapagbigay ang leverage ng oportunidad para kumita ng malaki nang hindi kailangang gamitin ang sarili mong kapital, pero pwede rin itong humantong sa matinding pagkalugi, kaya mahalaga ang pamamahala ng risk at pagkakaroon ng edukasyon tungkol sa trading.