expand/collapse risk warning

Komplikadong mga instrumento ang mga CFD at nagtataglay ang mga ito ng mataas na antas ng panganib na pagkalugi ng pera dahil sa leverage. 71% ng mga retail investor account ay nalulugi kapag nag-trade ng mga CFD kasama ang provider na ito. Dapat mong isipin kung nauunawaan mo kung paano gumagana ang mga CFD at kung kaya mong saluhin ang mataas na panganib ng pagkatalo ng iyong pera.

Komplikadong mga instrumento ang mga CFD at nagtataglay ang mga ito ng mataas na antas ng panganib na pagkalugi ng pera dahil sa leverage. 76% ng mga retail investor account ay nalulugi kapag nag-trade ng mga CFD kasama ang provider na ito. Dapat mong isipin kung nauunawaan mo kung paano gumagana ang mga CFD at kung kaya mong saluhin ang mataas na panganib ng pagkatalo ng iyong pera.

76% of retail investor accounts lose money when trading CFDs with this provider.

Mga Bayad sa Bayad at Singil

Maaasahan ng mga Skilling client ang mga singil sa komisyon sa mga pares ng FX at Spot Metal sa uri ng Premium account. Ang lahat ng mga kliyente ay nagbabayad ng "mga bayarin sa pag-trading" (komisyon) sa mga trade sa crypto.

Ang aming mga singil sa FX at Spot Metal ay nagsisimula sa $35 bawat milyong USD na tini-trade. Ang mga bayarin sa taker (komisyon) sa crypto ay nagsisimula sa 0.1% ng halaga ng posisyon. Kung ang batayang currency ng account ay bukod sa USD, ang singil ay iko-convert sa kaukulang currency.

Financial Instrument Commission per million
EUR/USD $35
GBP/USD $40
Rest FX $50
GOLD $60
SILVER $120

Pormula ng kalkulasyon sa komisyon

Komisyon = Laki ng pag-trade sa baseng pananalapi * (Rate ng conversion ng USD * $x bawat milyon ng USD na kinalakal) * Rate ng palitan ng pananalapi ng account

Halimbawa 1

Nag-trade ka ng 100,000 GBP/USD - Ang pananalapi ng account ay EUR

Hakbang 1 Pag-convert ng laki ng trade mula sa baseng pananalapi patungong USD
100,000 GBP * 1.2846 (rate ng GBP/USD) = 128,460 USD
Hakbang 2 Kalkulahin ang mga bayarin ng komisyon sa USD ($50 bawat milyong USD na kinalakal)
128,460 USD * 0.000050 = 6.42 USD
Hakbang 3 I-convert ang mga bayarin ng komisyon mula USD patungong EUR (pananalapi ng account)
6.42 USD / 1.1025 (rate ng EUR/USD) = 5.82 EUR

Halimbawa 2

Nag-trade ka ng 100,000 EUR/USD - Ang pananalapi ng account ay USD

Hakbangv 1 Pag-convert ng laki ng trade mula sa baseng pananalapi patungong USD
100,000 EUR * 1.1025 (rate ng EUR/USD) = 110,250 USD
Hakbang 2 Kalkulahin ang mga bayarin ng komisyon sa USD ($35 bawat milyong USD na kinalakal)
110,250 USD * 0.000035 = 3.85 USD
Hakbang 3 Wala nang ibang mga pag-convert ang kailangan dahil ang baseng pananalapi ng account ay nasa USD na

* Mangyaring alalahanin na ang buwis sa mga komisyon ay nalalapat lamang sa mga Premium account kapag binubuksan o sinasara ang posisyon

Mga Bayarin sa Swap

Sa pagtatapos ng bawat araw ng pag-trade (22:00 GMT), ang mga posisyong nananatili sa iyong account ay maaaring may kaukulang bayarin na tinatawag na "swap o rollover". Ang gastos ay maaaring positibo o negatibo depende sa direskyon ng iyong pag-trade at sa naaangkop na rate. Makikita mo rin ang inaasahang bayarin o kredito sa iyong Tiket sa Pag-trade. Ang swap ay awtomatikong sinisingil at kino-convert sa pananalapi ng denominasyon ng account. Kinakalkula at sinisingil ang swap isang beses sa bawat araw ng linggo para sa 1 araw na rollover, maliban sa Miyerkules, kung saan ito ay kinakalkula at sinisingil nang 3 beses sa account para sa katapusan ng linggo.

Mga bayarin ng swap sa Forex / Mga Spot na Metal

Para sa mga pares ng Forex, ang gastos o kita ay kinakalkula bilang ang kaibahan ng rate ng interes sa pagitan ng Tomorrow Next Deposit Rates (TNDR) ng 2 na mga pananalaping pinag-uusapan, kabilang ang markup na sinisingil ng Kompanya kung saan hinahawakan ang posisyon at depende sa uri ng posisyon (Long / Short). Ang mga kliyente ay maaaring kumita o malugi sa swap, at sa gayon ay maaaring magkaroon ng positibo o negatibong rollover. Posibleng magkaroon ng negatibong halaga ng rollover ang ilang instrumento sa magkabilang panig bilang resulta ng komisyong idinadagdag bilang karagdagan sa magdamag na kaibahan ng rate ng interes ng dalawang pananalapi.

Ang mga Swap ng Forex ay kinakalkula gamit ang mga pinagkaisang ekwasyon tulad ng nasa ibaba:

Swap = (Halaga ng Pip * Rate ng Swap * Bilang ng mga Gabi) / 10

Kung saan:
Halaga ng Pip: 10 para sa lahat ng pares ng Forex bukod sa mga pares ng JPY, HUF at THB na kung saan ang halaga ng pip ay 1000 at sa mga pares ng RUB at CZK na kung saan ang halaga ng pip ay 100
Bilang ng mga gabi: ang kabuuang dami ng mga gabing nananatiling bukas ang posisyon.

Ang resulta ay hinahati sa 10 dahil ang mga bayarin ng swap ay kino-quote sa mga sentimo.

Mga Bayarin ng Swap sa mga Indeks

Ang mga rate ng swap ng mga CFD ng mga Indeks ay batay sa sumasailalim na interbank rate ng indeks at ang markup ng kompanya at kinakalkula gamit ang mga pinagkaisang equation tulad ng nasa baba:

Swap na Long = (Mga Yunit * Presyo) * (Markup + Libor) / 365
Swap na Short = (Mga Yunit * Presyo) * (Markup - Libor) / 365

Kung saan:
Mga yunit: ang kabuuang bilang ng mga yunit na binili / binenta sa pag-trade
Presyo: presyo ng indeks
Libor: ang 1-buwan na rate ng Libor ng naturang pananalapi
Markup: 3.5% sa Bili at 3% sa Benta

*Ang markup para sa mga Premium account ay 2.5%

Mga Bayarin ng Swap sa mga Sapi

Ang mga rate ng swap ng mga sapi ng CFD ay batay sa sumasailalim ng interbank rate para sa pananalapi ng naturang sapi at ang markup ng kompanya at kinakalkula gamit ang mga pinagkaisang equation tulad ng nasa baba:

Swap na Long = (Mga Yunit * Presyo) * (Markup + Libor) / 365
Swap na Short = (Mga Yunit * Presyo) * (Markup - Libor) / 365

Kung saan:
Mga yunit: ang kabuuang bilang ng mga yunit na binili / binenta sa pag-trade
Presyo: ang presyo ng sapi
Libor: ang 1 buwang rate ng Libor ng na-quote na pananalapi
Markup: 4% sa Bili at 3% sa Benta

*Ang markup para sa mga Premium na account ay 3.5% (Bili) at 2.5% (Benta)

Mga Bayarin sa Conversion ng Pera

Sisingilin ng Skilling ang isang Bayarin sa Conversion ng Pera para sa lahat na mga trade sa mga instrumento na hinirang sa isang salapi na naiiba sa pera ng iyong account. Ang Bayarin sa Conversion ng Pera ay makikita sa iyong natanto na Kita at Pagkawala. Maaari kang magbasa nang higit pa tungkol dito.